Isinusulong ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipagbawal ang mga tricycle na ginagawang school service.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, delikado para sa mga estudyante kaya’t hindi dapat pinapayagan ng Local Government Units (LGUs) ang mga tricycle na nagiging service na at bumabiyahe pa sa national highways.
Dahil dito, nakatakdang mag-usap ang LTFRB at Metro Manila Council sa Hunyo 22 upang talakayin ang nasabing usapin.
—-