Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa Metro Manila Development Authority.
Ito’y para sa pagpapadala ng mga city buses sa ilang mga pangunahing kalsada para maging alternatibo ng mga magulang at mag-aaral sa pagpasok nila sa paaralan.
Kahapon, pinagsisita ng mga operatiba ng LTFRB ang ilang pumapasadang tricycle sa bahagi ng Katipunan Avenue sa Quezon City.
Dahil dito, magpapakalat ng P2P buses ang LTFRB sa bahagi ng Old Balara at Aurora Blvd patungo ng Katipunan para siyang sakyan ng mga estudyante.
Kasabay nito, ipinaalala ni LTFRB Chairman Martin Delgra kay MMDA Chairman Danilo Lim na tanging mga bus, coaster, van lamang ang maaring gamitin bilang school service.
Una nang binatikos ni Lawyer’s for Commuter’s safety And Protection Head Atty. Ariel Inton ang LTFRB dahil sa pangingialam nito sa lokal na pamahalaan para saklawan ang regulasyon sa mga tricycle.