Isa ang patay habang 4 ang sugatan sa pananambang ng New People’s Army sa Davao Del Norte.
Nangyari ito, Tatlong araw makaraang magdeklara ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Unilateral Ceasefire sa mga rebelde.
Ayon kay Brig. Gen. Ricardo Nepomuceno, Commander ng 1003rd Brigade ng Philippine Army, pabalik na ang tropa ng mga sundalo sa kanilang kampo sa Barangay Gupitan sa bayan ng Kapalong nang atakehin sila ng mga rebelde.
Sa kabila ng nangyaring ambush, tiniyak ni Nepomuceno na susundin nila ang Unilateral Ceasefire sa CPP-NPA at patuloy silang makikipag-ugnayan sa PNP patungkol sa Law Enforcement Operations.
By: Meann Tanbio