Hindi papayagang makadaan sa Nagtahan Flyover sa Maynila ang mga truck at trailer trucks simula sa ika-20 ng Pebrero.
Ito’y bilang pagtugon sa rekomendasyon ng public works and highways na pababain o bawasan ang load limit o ‘yung mga sasakyang dumaraan dito.
Mababatid kasi na batay sa pagmomonitor ng ahensya, nakitaan ng bitak ang wingwall ng tulay na posibleng maging sanhi ng anumang aksidente sakaling hindi bawasan ang mga dumaraan dito o kaya’y agapan ang mga ito.
Dahil dito, pinayuhan ng mga awtoridad ang mga mabibigay ng sasakyan o heavy vehicles gaya ng truck at trailer trucks na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Samantala, maliban sa mga truck at trailer trucks, nananatiling bukas sa mga light vehicles ang ang Nagtahan Flyover.