Kinumpirma ng AFP o Armed Forces of the Philippines na mga Tsino nga ang nasa likod ng panghaharass sa mga mangingisdang Pilipino sa Union Bank o Pagkakaisa reef na bahagi ng Spratly Island.
Ito’y ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, batay sa nakuha nilang mga impormasyon matapos silang magkasa ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
Ngunit ayon sa AFP Chief, hindi pa nila tukoy kung miyembro ng navy o coast guard ng China ang mga nagtaboy sa mga mangingisdang Pinoy sa nasabing karagatan.
Kasunod nito, sinabi ni Año na ipinauubaya na nila sa DFA o Department of Foreign Affairs ang paggawa ng susunod na aksyon hinggil sa nasabing impormasyon.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal