Isinusulong sa Kamara na maparusahan ang mga tsismoso at tsismosa sa mga lugar ng trabaho tulad ng opisina, business establishment at iba pa.
Ayon kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe, sa oras na maipasa ang kanyang panukalang batas na House Bill 815 o Anti-Office Bullying Act ay maaaring maharap sa kasong krimen ang mga nagkakalat ng mapanirang kuwento laban sa kasamahan sa trabaho.
Aniya, maituturing kasing bullying ang pagkakalat ng tsismis para masira ang isang tao.
Bukod sa mga tsimoso at tsimosa, papanagutin din ang Human Resource Management kapag wala itong ginawa para maprotektahan ang kanilang empleyado laban sa paninira.
By Rianne Briones
Mga tsismoso at tsismosa sa mga opisina target parusahan sa isang panukalang batas was last modified: May 8th, 2017 by DWIZ 882