Muling nanawagan ang mga tsuper at riders sa pamahalaan na ituloy na ang pamamahagi ng ayuda sa gitna ng ipinatutupad na election spending ban.
Ayon sa mga rider, nagkukulang na kasi ang arawang kita at madalas pa silang nabibiktima ng mga fake booking kung saan, sila na mismo ang sumasalo ng mga order.
Umaasa ang mga rider na kabilang sila mga makatatanggap ng ayuda sa ilalim ng fuel subsidy program ng pamahalaan.
Sinabi naman ng mga tsuper na patuloy na liliit ang kanilang kita sa araw-araw kung patuloy na tataas ang presyo ng produktong petrolyo.