Ilang mga tsuper ng jeepney ang nasita ng Inter Agency Council for Traffic (IACT) sa kanilang isinagawang simultaneous operation bilang pagtutok sa mga hindi nagbibigay ng diskwento sa pasahe sa mga Senior Citizen, Estudyante at may kapasanan.
Sa mismong pag-iikot ni LTFRB Chairman Martin Delgra, kanyang napuna na karamihan sa mga tsuper ay sumusunod sa kautusan pero mali ang ibinibigay na diskwento.
Aniya sa halip na Anim na Piso at Kuwarenta’y Sentimos sa bawat minimum fare na Otso Pesos, Siyete Pesos o bawas na Piso lamang ang sinisingil ng mga tsuper.
Bukod sa mga maling pagbibigay ng diskwento, nasita rin ng I-ACT ang mga jeep na walang nakapaskil na fare matrix.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Delgra ang mga tsuper na maglagay ng fare matrix para maiwasan na rin ang kalituhan sa kanilang mga sinisingil na pasahe.