Binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga public utility vehicle driver sa pagka-cutting trip.
Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton, ang sinumang tsuper na mapapatunayang nagka-cutting trip ay pagmumultahin ng P5,000.
Ito ang inihayag ni Inton makaraang 6 na express bus ang napaulat na hindi sumusunod sa kanilang ruta na nakasaad sa kanilang prangkisa.
Mistula anyang pagnanakaw sa mga pasahero ang pagka-cutting trip.
Bukod sa multa, nanganganib ding bawiin ng LTFRB ang prangkisa ng mga PUV na hindi sumusunod sa kanilang ruta habang hinimok ni Inton ang publiko na isumbong sa ahensya ang mga abusadong tsuper.
By Drew Nacino