Binalaan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tsuper na sasama sa isasagawang transport strike sa Lunes.
Maaari umanong kaharapin ng mga ito ang mabibigat na parusa katulad ng pagkakakansela ng kanilang mga prangkisa.
Ayon kay Transportation Assistant Communications Secretary Goddess Libiran, isang prebilehiyo ang pagkakaroon ng prangkisa.
Ngunit oras na mapatunayang hindi ginawa ng mga driver ang kanilang responsibilidad na kaakibat ng pagkakaroon nito ay pwedeng bawiin sa kanila.
Tinawag din ni Libiran na “blatant disregard to their duty” ang pagsama sa strike dahil mayroon aniyang responsibilidad ang mga driver na serbisyuhan ang kanilang mga pasahero.
Naktakdang isagawa ng grupong alyansa laban sa PUV phaseout ang isang nationwide transport strike sa Lunes, Oktubre a uno.