Ilan pang mga tubo na naglalabas ng marumi at itim na tubig sa karagatan ang nadiskubreng nakabaon sa kulay puting dalampasigan sa station 2 ng isla ng Boracay.
Ito’y bahagi pa rin ng isinasagawang rehabilitasyon sa isla mula nang pormal itong ipasara noong Abril 26 dahil sa iba’t ibang paglabag sa batas kalikasan ng mga naninirahan dito.
Magugunitang natukoy na ng DENR o Department of Environment and Natural Resources ang mga tubong naglalabas ng marumi at maitim na tubig sa karagatan na mula sa mga malalaking resort at hotel sa isla.
Kasunod nito, hiniling ng CENRO o Community Environment and Natural Resources Office sa lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan na hukayin ang mga makikitid na eskenita upang matingnan kung may posibleng iligal na koneksyon na nakabaon dito.