Arestado ang tatlong magkakamag-anak at dalawang umano’y tulak ng droga matapos ang magkahiwalay na buy bust operation ng otoridad sa lungsod ng Parañaque at Navotas.
Ayon sa imbestigasyon, kinilala ang mga suspek na sina alyas ‘Angel’, 26 anyos, alyas Ton, 38 anyos, at alyas ‘Ai’
Nasamsam sa mga suspek ang tatlong plastik ng hinihinalang shabu na may tatlong daang gramo (300g) na tinatayang may halaga na mahigit P2-M sa barangay san antonio.
Samantala, nahuli rin ang dalawang umano’y tulak ng droga sa barangay NBBS kaunlaran sa Navotas kung saan nakuha sa mga ito ang anim na sachet ng mahigit limangpu gramo (50g) ng umano’y shabu na tinatayang may halaga na mahigit tatlong daang libong piso (P346,000), isang baril, drug peraphernalia at ginamit na sasakyan.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal possesion of firearms.—mula sa panulat ni Airiam Sancho