Bigo pa ring makapag-sumite ng Statements of Contributions and Expenditures o SOCE sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga tumakbo sa pagka-pangulo noong May 9, 2016 polls.
Ito, ayon sa Campaign Finance Office ng COMELEC, ay kahit hanggang bukas na lamang ang deadline ng pagsusumite ng SOCE.
Inihayag ni COMELEC Spokesman at Director James Jimenez na kahit sino kina President-elect Rodrigo Duterte, Vice President Jejomar Binay, dating Interior Secretary Mar Roxas, Senators Grace Poe at Miriam Santiago ang nagsusumite.
Ang SOCE ang listahan ng mga donasyon sa kampanya at ginastos ng mga kandidato at partido sa nasabing halalan.
Samantala, ilang partylist pa lamang ang nakapagsusumite ng kanilang SOCE at ilang tumakbo sa pagka-senador kabilang sina Senator-elect Ping Lacson at dating Parañaque City Councilor Alma Moreno.
By Drew Nacino | Allan Francisco (Patrol 25)