Certified rescuers na ang mga residente sa Sulu na tumulong sa mga sugatang sundalo sa bumagsak na C-130 Plane.
Sa pamamagitan ng Armed Forces Western Mindanao Command-Tactical Operations Wing (Tow-WestMinCom), sumailalim ang mga tinaguriang ”Tausug Heroes” sa rescue training, kabilang ang rappelling at water rescue.
Ayon kay Tow-WestMinCom Commander Colonel Dennis Estrella, makakatulong ang mga residente sa kanilang komunidad partikular na sa kanilang barangay bilang first reponders.
Sinabi naman ni Eldizen Pandao, isa sa mga sumaklolo sa mga sundalo, na handa silang tumulong sa kapwa anumang oras.
Hulyo 4 nang bumagsak ang C-130 Plane sa Barangay Bangkal sa Patikul kung saan 53 ang nasawi kabilang ang 50 sundalo at 3 sibilyan habang 50 ang nasugatan. —sa panulat ni Hya Ludivico