Unti-unti nang lumilinaw ang tunay na pangyayari sa marahas na dispersal ng mga awtoridad sa mga magsasakang nagpoprotesta sa Kidapawan City.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni CHR Chair Chito Gascon matapos bumuo ng fact finding team na tumututok sa naturang insidente.
Ayon kay Gascon, nagdagdag pa sila ng puwersa para imbestigahan ang nasabing pangyayari.
“Humingi nang sabihin nating resbak yung aming team ng Region 12 at magpapadala po kami ng galing sa Region 11 at forensic team namin sa central office, di pa tapos ang proseso pero lumalabas at lumilinaw po kung ano ang naging kaganapan at pakay ng aming investigation ay Makita ang puno’t dulo at big picture nitong ditwasyon.” Pahayag ni Gascon.
Help for the farmers
Agad bumuhos ang tulong mula sa iba’t ibang personalidad para sa mga magsasaka na naipit sa gulo sa Kidapawan City nitong nakalipas na linggo.
Aabot sa 200 sako ng bigas ang dinala ng aktor na si Robin Padilla sa mga demonstrador na pansamantalang nanunuluyan sa United Methodist Church.
Dumating din sa lugar ang may 65 sako ng bigas mula sa Davao City ngunit hindi tinukoy kung kanino galing ang nasabing tulong.
Dahil dito, 300 mula sa 5,000 magsasaka na lumahok sa kilos protesta noong Biyernes ang nakauwi na sa kani-kanilang mga bahay bitbit ang mga tulong na bigas na ibinagsak sa bayan ng Makilala.
Gayunman, mahigpit na hinaharang ng mga pulis ang mga magsasakang nasa loob at labas ng Methodist Center
North Cotabato government
Haharangin ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato ang anumang ayudang ibibigay sa mga biktima ng marahas na demonstrasyon sa Kidapawan Ctiy noong isang linggo.
Ito’y makaraang dumating sa bayan ng makilala ang saku-sakong bigas na ibinigay ng ilang kandidato gayundin ng aktor na si Robin Padilla.
Ayon kay Gov. Emmylou Taliño Mendoza, isang malaking insulto sa kanyang liderato ang ginagawang pagbibigay ng bigas sa kanyang lalawigan.
Bagama’t batid niya ang pangangailangan ng kanyang nasasakupan, sinabi ng gobernadora na hindi niya hahayaang samantalahin ito ng ilang kandidato para mamulitika.
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas | Jaymark Dagala