Patuloy ang dagsa sa Caticlan Jetty Port sa Malay, Aklan ng mga turista at empleyadong lumalabas ng Boracay, ilang oras bago ang temporary shutdown ng isla.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, posibleng abutin ng 12,000 ang mga turista at empleyadong lalabas ng Boracay hanggang ngayong unang araw ng 6 months shutdown.
Gayunman, nasa animnapung pamilya anya ang pinayagan nilang manatili sa isla at kung nais ng mga ito na magtrabaho ay maaari silang tumulong sa rehabilitasyon ng wetlands lalo’t mayroon namang cash for work program.
Sa labas naman ng Caticlan Jetty Port, nagtayo ng mga help desk ang iba’t ibang government agencies upang tulungan ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho dahil sa closure.
Samantala, nagdaos ng farewell parties at boodle fights ang ilang empleyado ng mga resort at restaurant, ilang oras bago ang shutdown.