Dagsa na ang mga tao sa Baguio City para sa inaabangang taunang ‘grand float parade’ na isa sa mga ‘highlight’ ng Panagbenga Festival.
Ayon kay Elmer Datuin, Head ng Tourism Councilor ng Baguio City, madaling araw pa lang ay nagsidatingan na ang mga turista mula sa iba’t ibang lugar at fully-booked na rin ang mga hotel.
Kaninang umaga ay sinimulan na ang ‘grand street dance parade’ kung saan libu- libong mga tao ang nag-abang sa kalsada para saksihan ang mga kalahok sa street dancing competition na pawang may mga kasuotan na gawa sa makukulay na bulaklak.
Present din sa parada ang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Secretary Francis Tolentino na siyang guest speaker sa nasabing okasyon.
Dahil dito, pinaalalahanan ng mga organizer ang publiko na mag-commute na lang dahil inaasahang mas titindi pa ang daloy ng trapiko sa lungsod.
—-