Hindi agad bubuksan ang Baguio City sa mga turista.
Ito ang inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin magalong dahil magpapatupad pa aniya sila ng transition plan o hakbang para unti-unting pag-alis ng enhanced community quarantine (ECQ) sa lungsod.
Ayon kay magalong, hindi nila papayagan ang basta-bastang pag-akya muli ng mga turista sa Baguio City at maging pagbabalik sa lungsod ng mag residente.
Sa ngayon aniya ay mangarap muna ang mga nagpaplanong umakyat ng Baguio City matapos ang implementasyon ng ecq at saka na lamang bumiyahe.
Sinabi ni magalong, oras na maisailalim na sa general community quarantine (GCQ) ang Baguio City, uunahin nilang maibalik ang mga construction activities.
Saka aniya ito susundan ng pagbabalik normal ng operasyon ng lokal na pamahalaan at iba pang mahahalagang sektor ng ekonomiya.
Unti-unting pagbabalik ng transportasyon, maliliit na establisyimento at saka lamang ang mga may kaugnayan aa entertainment at religious gatherings.