Dumagsa ang mga taong nagtungo ngayong weekend sa Tagaytay City kasabay ng pagbibigay pahintulot ng IATF na maari nang lumabas ng bahay ang mga nasa 15 hanggang 65 taong gulang.
Marami sa mga nagtungo sa Tagaytay ang mga nasa edad na 50 pataas.
Habang may isang grupo naman ng mga 15 anyos na kabataan ang naroon din sa lugar na tila ba isang reunion.
Nagdulot naman ng mabagal na usad ng mga sasakyan ang pagtaas ng bilang ng mga bumibista sa Tagaytay.