Kinontra ng Malakaniyang ang ulat ng travel tourism competitiveness ng world economic forum na pang-11 ang Pilipinas sa mga bansang pinaka-delikado sa mga turista.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tuloy pa rin naman ang pagdagsa ng mga turista sa Pilipinas sa kabila ng mga sinasabing banta sa seguridad tulad ng nangyaring gulo sa Marawi City.
Mula Enero hanggang Marso aniya ngayong taon, pumalo sa 1.78 million ang naitalang tourist arrivals kumpara sa 1.6 million na naitala sa kaparehong panahon nuong isang taon.
Giit pa ni Abella, ibinatay ang nasabing datos sa airline seats na naidagdag ngayong taon partikular sa mga bagong direct flights at connecting local flights sa secondary airports mula China, South Korea, Kalibo, Cebu at Clark.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping