Pinag-ingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga turistang bibisita sa Bicol Region ngayong Semana Santa hinggil sa pagkain ng mga lamang dagat.
Ayon kkay BFAR Spokesperson Nonie Enolva, apektado ng red tide toxin ang karagatang sakop ng bayan ng Milagros sa Masbate.
Dahil dito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili at pagkain ng shellfish.
Gayunman, nilinaw ng opisyal na hindi naman apektado ng red tide ang lahat ng lugar sa rehiyon ngunit kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat.
—-