Posibleng dumami pagsapit ng kapaskuhan hanggang sa susunod na taon ang mga turista sa Isla ng Boracay.
Ito ang inihayag ng Malay Tourism Officer Felix Delos Santos, matapos bumuhos ang mga domestic tourists mula sa Metro Manila at Western Visayas.
Umabot kasi sa 15,601 o may average na 2,500 hanggang 3,600 na turista ang naitala simula noong December 1 hanggang a-5.
Matatandaang nito lamang buwan ng Nobyembre ay pumalo sa 67,000 ang tourist arrival sa naturang Isla kahit pa nasa gitna parin ng pandemya ang bansa.
Sa ngayon, patuloy na tinututukan ng ibat ibang ahensya ng gobyerno ang pangangalaga sa paligid ng Boracay upang maingatan at mapanatili ang kalinisan at ganda nito. —sa panulat ni Angelica Doctolero