Tuluy-tuloy pa rin pagdagsa ng mga turista sa Guam sa ordinaryong araw.
Ayon kay Lan Don Aydrett isang weather forecaster at miyembro ng national band ng Guam, “business as usual” pa rin ang kasalukuyang sitwasyon sa kanilang isla sa gitna ng tensyon sa pagitan ng North Korea at Amerika.
Idinagdag pa ni Aydrett na hindi na masyadong nangangamba ang mga tao sa kanilang lugar lalo na’t ipinagpaliban ng NoKor ang plano nitong paglulunsad ng missile.
Aniya , walang mga kinakansela at tuluy-tuloy lang ang pagasasagawa ng malalaking events sa iba’t ibang bahagi ng isla.
Sa kabila nito, nananatilli umano silang nakaalerto at updated sa mga kaganapan tungkol sa nasabing banta.
By Arianne Palma