Maituturing na lampas na sa pre-pandemic level ang bilang ng tourist arrivals sa Baguio City ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Baguio Tourism Officer Alec Mapalo matapos umabot na sa 1.7-M ang dumating na turista sa lungsod hanggang nitong Oktubre pa lamang.
Kumpara ito sa 1.5-M tourist arrivals noong 2019 o bago ang COVID-19 pandemic.
Inaasahan anyang tataas pa ito hanggang katapusan ng taon, lalo’t hindi pa kasama sa datos ang buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Nilinaw naman ni Mapalo na bumabangon pa rin ang summer capital mula sa pagkalugi bunsod ng halos dalawang taong lockdowns at restrictions dahil sa pandemya. —sa panulat ni Hannah Oledan