Obligado pa rin ang mga turistang magtutungo sa Boracay Island na mag-prisinta ng negatibong coronavirus disease 2019 (COVID-19) test result.
Ayon kay Mayor Frolibar Bautista, ito’y bilang bahagi pa rin ng pagsunod sa mga health measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang negative RT-PCR test ay kailangang inisyu sa loob ng 72 oras.
Kailangan ding makapagprisinta ng mga turista ng confirmed bookings sa mga hotel na accredited ng Department of Tourism (DOT).
Hindi pa rin binago ‘yung ating mga requirements, ‘yon pa rin. Health card, swab test within 72hrs… at confirmation booking,” ani Bautista sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882.
Magugunitang inaprubahan ng task force ng gobyerno ang pagpapalabas ng unified travel protocols sa lahat ng local government units.