Tumaas ang bilang ng mga turistang nasa Boracay sa unang araw na pinayagan ang paggamit ng saliva RT-PCR test.
Ipinabatid ni Felix Delos Santos, Jr., pinuno ng Malay Municipal Tourism Officer, umabot ng 1,065 tourist ang dumating sa Boracay kumpara sa mga dumating ditong turista noong ika-13 ng Marso na nasa 967 lamang.
Sinabi ni Delos Santos na ito na ang pinakamataas na tourist arrival na naitala simula nang buksan ang isla sa domestic tourist noong Oktubre at mga taga-Metro Manila pa rin ang mga nangungunang bisita rito.
Matapos magpalabas ng advisory si Aklan Fgovernor Florencio Miraflores noong ika-19 ng Marso, naging epektibo na ang paggamit ng mas mura at mas mabilis na saliva coronavirus disease 2019 (COVID-19) test bilang alternatibo sa swab test na maaaring maging dahilan nang pagbuhos ng mga turista sa susunod na mga araw.