Muling binalikan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aniya’y tutol sa anti illegal drugs campaign ng gobyerno partikular ang mga human rights advocate
Ito’y makaraang ibalik ng punong ehekutibo sa Philippine National Police ang pangunguna sa kampanya kontra iligal na droga mula sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Aminado ang Pangulo na posibleng tumagal pa ang war on drugs kaya’t humingi siya sa taumbayan ng karagdagang isang taon upang tapusin ang problema.
Pabiro pang inihayag ni Pangulong Duterte na inaasahan na niyang mag-iingay ang mga kritiko kaya’t dapat turukan na lamang ng valium upang kumalma ang human rights advocate na bumabatikos sa giyera kontra droga.