Nagpahayag ng pangamba ang Department of Agriculture na mauwi sa African Swine Fever scare ang mga napaulat na pagkakasakit at pagkamatay ng ilang mga baboy sa ilang piggery sa Luzon.
Ayon kay Noel Reyes, tagapagsalita ng D.A, nanganganib ang 270 billion pesos na halaga ng livestock industry sakaling nakapasok na nga sa bansa ang ASF.
Tiyak aniyang maraming maaapektuhang hog raisers, negosyante at mga manggagawang umaasa sa livestock industry.
Ito anya ang dahilan kaya’t maingat sila sa paghawak sa sitwasyon upang hindi lumikha ng panic sa publiko.
Sinabi ni Reyes na ito rin ang dahilan kayat hindi nila isinasapubliko ang resulta ng local laboratory test hanggat wala pa ang confirmatory test sa isang international laboratory na accredited ng World Health Organization for animal health.