Ikinabahala ng grupo ng mga kababaihan ang napapaulat na kaso ng pang-aabuso ng mga pulis ngayong lockdown.
Ayon sa Coalition Against Trafficking In Women-Asia Pacific (CATW-AP), pitong kaso ang hawak nila ngayon na may kaugnayan sa pang-aabuso ng mga pulis.
Sinabi ni Jean Enriquez, Executive Director ng CATW-AP, kwento ng isa sa mga babaeng biktima ang nilapitan umano ng pulis habang siya ay namamalengke.
Nakilala umano siya ng pulis dahil dati na siyang ginagamit nito dahil sa takot ng babae ay hindi nito nagawang tumanggi sa pulis.
Kapalit aniya nito ay pagkain o pera na nagkakahalaga ng P500 o mas mababa pa rito.
Samantala, nakatanggap din umano ng reklamo mula sa mga kababaihan at miyembro ng LGBT community ang Gabriela party-list
Ayon kay Rep. Arlene Brosas, ang mga reklamong ito karamihan ay laban sa mga nagbabanta sa mga checkpoint.
Kaugnay nito, nanawagan ang Commission on Human Rights ng agarang aksyon ng PNP at gobyerno kasabay ng pagtitiyak na nakikipagtulungan sila para sa imbestigasyon ng mga kaso.