Naniniwala ang pamilya ni Mary Jane Veloso, na may kinalaman kina Kristina Sergio at Julius Lacanilao, ang mga lalaki na umaaligid sa kanilang bahay.
Ayon kay Darling Veloso, kapatid ni Mary Jane, kahina-hinala ang itsura at ikinikilos ng mga lalaki, na kumuha pa ng larawan ng kanilang bahay, gamit ang cellphone.
Sa kabila nito, bahagya naman silang nakahinga nang mangako ang mga kawani ng baranggay na magpapadala ng mga tanod na mag roronda sa kanilang lugar.
Samantala, mas kampante na ngayon ang pamilya ni Mary Jane Veloso.
Ayon kay Darling, kapatid ni Mary Jane, ito ay dahil unti-unti nang lumulutang ang katotohanan, lalo na at nakapiit na ang recruiters ni Mary Jane na sina Kristina Sergio at Julius Lacanilao.
Regular din aniyang tumatawag si Mary Jane, at nakikibalita sa kaso ni Sergio.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit