Hindi ititigil ni dating Manila Councilor Greco Belgica ang laban nito kontra katiwalian partikular sa mga aniya’y umabuso sa paggamit ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Tiniyak sa DWIZ ni Belgica na malalagot ang mga nangulimbat sa kaban ng bayan lalo na’t bago na ang administrasyon.
Sinabi ni Belgica na para sa kaniya, katanggap-tanggap nang ibalik ang perang kinuha ng tiwaling opisyal na aniya’y pagpapakita na rin nang pagsisisi.
Bahagi ng pahayag ni dating Manila Councilor Greco Belgica
SC
Samantala, maituturing nang moot and academic ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa petisyon ng grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa isyu ng DAP o Disbursement Acceleration Program.
Sinabi sa DWIZ ni Belgica na nawalan na rin ng saysay ang kanilang mismong petisyon dahil ipinag-utos na ni incoming President Rodrigo Duterte ang imbestigasyon sa lahat ng mga sangkot sa pag-abuso sa DAP, pork barrel fund at iba pang katiwalian.
Bahagi ng pahayag ni dating Manila Councilor Greco Belgica
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas