Pitong (7) umano’y dummies ni Vice President Jejomar Binay na ipinaaaresto ng senado ang humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Sub Committee ngayong araw kaugnay ng mga anomalya sa lungsod ng Makati.
Kabilang sa mga dumalo sa pagdinig ay sina Kimsfer Chong, Imee Chong, Mario Badillo, Makati Officials Engineer Line dela Peña, Vissia Marie Aldon, Danilo Villas at ang negosyanteng si Antonio Tiu.
Ito na ang ika-21pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub Committee hinggil sa mga anomalyang kinasasangkutan umano ni Binay at pamilya nito.
Samantala, hindi pa din sumipot sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub Committee, ang apat sa mga ipinapaaresto ng senado.
Kabilang sa hindi pa din nagpapakita ay sina Gerry Limlingan, ang umano’y bagman ni Vice President Jejomar Binay; Ebeng Baloloy, na matagal na umanong personal assistant ng Bise Presidente.
Hindi din nagpakita ang kapatid ng negosyanteng si Antonio Tiu na si James Tiu at ang asawa nitong si Ann Lauren Buencamino-Tiu.
Dahil dito, nananatili pa din ang arrest and detention order laban sa kanila.
By Ralph Obina | Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)