Hindi babayaran ng gobyerno ang mga umano’y ninakaw na gamit ng mga bakwit sa Marawi City.
Ayon ito kay HUDCC Chair Eduardo Del Rosario dahil mahirap aniyang matiyak o ma-validate kung totoo ngang ninakaw ang ilan sa mga alahas, pera o iba pang gamit ng mga bakwit.
Kasabay nito, tiniyak ni Del Rosario na makukumpleto sa loob ng apat (4) na taon ang rehabilitasyon ng Marawi.
Sinimulan na ding i-relocate ng Task Force Bangon Marawi o TFBM sa mga temporary shelter mula sa mga evacuation center ang nasa 150 pamilya na kabilang sa mga naapektuhan ng limang buwang bakbakan sa lungsod.
Ayon kay Housing Undersecretary Felix Castro Junior, chief ng TFBM field office, inilipat ang mga evacuee sa transitory site sa Barangay Sagonsongan kung saan nasa 150 units ng temporary shelter ang itinayo.