Tututukan ng Department of Health ang anumang mga bagong usbong na sakit.
Ito ang tiniyak ng Kagawaran kasabay ng pahayag ni DOH-OIC, Undersecretary Maria Rosario Vergiere na mayroong platform kung saan nalalaman ang mga bagong diskubre o mga sakit na muling lumalabas.
Partikular na tinukoy ni Vergeire ang International Health Regulation na mayroong koordinasyon sa iba’t ibang bansa hinggil sa iba’t ibang sakit na na mo-monitor, gaya ng cluster ng Pneumonia sa Argentina.
May kapasidad at kakayahan naman anya ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na i-monitor ang naturang sakit na pinaghihinalaang legionaires disease.