Hinimok ng Department of Labor and Employment ang mga undocumented OFW na nasa Estados Unidos na bumalik na sa Pilipinas bago pa man umupo sa pwesto si US President-Elect Donald Trump sa Enero.
Lumabas ang panawagang ito bunsod ng banta ng malawakang pagpapadeport sa mga illegal immigrant sakali mang panindigan ni Trump ang pangakong lilinisin ang Amerika sa mga di-dokumentadong migrante.
Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na handa ang DOLE na magbigay-tulong sa mga undocumented OFW na uuwi sa bansa.
Ayon kay Abella, mismong si Labor Secretary Silvestre Bello III ang nagsabing layon talaga ng Administrasyong Duterte ang pauwiin ang mga OFW kaya handa na ang mga mekanismo para sa oportunidad na pang-negosyo at hanapbuhay.
By: Avee Devierte