Ilaban ang legalisasyon ng mahigit sa 200,000 undocumented OFWs sa China.
Ito ang hirit ni ACTS-OFW Partylist Representative John Bertiz kay Pangulong Rodrigo Duterte Kasunod ng pormal nitong pakikipag-alyansa sa mga Tsino.
Ayon kay Bertiz, ang mga manggagawang ito ay nagtatrabaho bilang mga domestic helper, tutor o private workers at mga guro.
Giit ng mambabatas, patuloy ang pagkuha ng China ng mga Pinoy para magsilbi sa mga nasabing larangan pero hindi ito nagbibigay ng working visa.
Dapat umanong si Duterte ang makikiusap sa China na tulungan ang mga undocumented OFWs at sa ganitong paraan ay makikita kung sinsero ito sa pakikipag-alyansa sa Pilipinas.
US and EU
Dapat mapanatili ng Pilipinas ang magandang relasyon nito sa mga bansa sa Europa.
Ito ang payo ni ACTS-OFW Partylist Representative John Bertiz sa gobyerno sa gitna ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika at European Union.
Ayon kay Bertiz, dapat na madagdagan ang mga kaibigang bansa ng Pilipinas sa halip na mabawasan at tama rin namang magpapatupad independent foreign policy subalit dapat maging balanse ito.
Samantala, tiyak anyang may epekto rin ang mga banat ni Pangulong Duterte sa Business Process Outsourcing industry lalo’t malaki rin ang ambag nito sa ekonomiya ng bansa.
By Jelbert Perdez | Drew Nacino | Ratsada Balita
Photo Credit: AFP