Binigyang parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 104 na ‘uniformed personnel’ na tumulong sa pakikipaglaban kontra sa grupong Maute sa Marawi City.
Mismong si Pangulong Duterte ang nagkaloob ng medalya na may kasamang mobile phone at certificate.
Kabilang sa mga pinarangalan ang 99 na police officers , 4 na tauhan ng Bureau of Fire Protection at isang gwardya mula sa Bureau of Jail Management and Penology.
Samantala, kasamang nagbigay parangal ni Pangulong Duterte sina Interior and Local Government Officer –In- Charge Catalino Cuy , Philippine National Police Director General Ronald Dela Rosa at PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director General Ramon Apolinario.