Hinikayat ng mga lider ng mga unibersidad ang mga Senador na huwag bumoto pabor sa Death Penalty bill.
Anim na argumento ang ibinigay ng mga lider ng Assumption College, Ateneo De Manila University, Ateneo De Cagayan, De La Salle University, De La Salle Philippines, San Beda College, St. Scholastica’s College, University of the Philippines Diliman at Manila, University of Santo Tomas at Xavier School,kung bakit hindi dapat muling buhayin ang parusang kamatayan.
Ito’y dahil ang death penalty ay anti-poor, lumalabag sa international commitments ng bansa, hindi pa ito napapatunayang sagot para bumaba ang bilang ng krimen, hindi ito magbibigay ng hustisya at higit sa lahat, labag ito sa karapatang mabuhay.
Inaasahang didingin ng Senate Committee on Justice ang panukala ngayong buwan.
By: Meann Tanbio