Pinayagan nang makasakay sa pampublikong transportasyon ang mga unvaccinated at partially vaccinated na mangagagawa sa National Capital Region (NCR).
Pero sa loob lamang ito ng tatlumpung araw simula ngayong araw, Enero a-26.
Ang kautusan ay resulta ng napag-usapan nitong Biyernes nina Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, at Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Administrative Service at Official Representative sa Inter-Agency Task Force (IATF) na si Artemio Tuazon Jr., layong nitong maprotektahan ang mga manggagawa laban sa virus.
Epektibo ito sa lahat ng manggagawang nakatanggap ng 2-dose primary series ng Pfizer, Astrazeneca, Sinovac, o Moderna brands; at kahit isang dose ng Janssen brand.
Hindi sapilitan ang kautusan dahil maaari pa rin silang gumamit ng pribadong sasakyan o yung mga shuttle services. —sa panulat ni Abby Malanday