Muling binanatan ni Manila International Airport Authority o MIAA General Manager Jose Anghel Honrado ang mga miyembro ng media.
Kaugnay ito sa mga usaping kinaharap ng kanyang liderato sa loob ng 6 na taon niyang pamumuno sa ahensya.
Sa kanyang pagdalo sa huling flag raising ng ahensya, sinabi ni Honrado na pinalaki lamang ng media ang mga usapin sa paliparan para lamang may maisulat o maibalita.
Kabilang aniya rito ang pagtagas ng tubig ulan sa mga bubong tuwing umuulan, pagkakaroon ng mga sink holes, pagbagsak ng kisame at pagkawala ng suplay ng kuryente.
Mas nabaling aniya ang sisi sa kanya nang pumutok ang balita hinggil sa tanim bala kahit pa hindi naman nila saklaw ang security screening sa mga paliparan.
By Jaymark Dagala