Binigyan ng bagsak na grado ng grupong Bayan Muna si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang SONA o State of the Nation Address.
Ayon kay dating Bayan Muna Partylist Representative Teddy Casiño, bigo pa rin si Pangulong Duterte na matalakay sa kanyang SONA ang mga mahahalagang usapin patungkol sa masang Pilipino.
Tulad aniya ng naunang SONA ng Pangulo, puro kuwento ngunit wala naman aniyang kuwenta ang mga pinagsasabi ng Pangulo dahil hindi naman narinig ng masa ang mga nais nitong marinig.
Kabilang sa mga usaping inaasahang talakayin ng Pangulo sa kanyang SONA ang mga apektadong pamilya ng Marawi City, kontraktuwalisasyon at ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Giit pa ni Casiño, dismayado sila dahil sa patuloy na pag-iral ng batas militar sa Mindanao gayundin ang Oplan Tokhang na aniya’y mga maling hakbang dahil sa hindi naman nito nasosolusyunan ang mga lehitimong problema ng bayan.
By Jaymark Dagala
Mga usaping pang-masa di tinalakay sa SONA—Bayan Muna was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882