Ginamit bilang service ng mga health worker ang mga UV express.
Ito ang ginawang hakbang ni House Committee on Economic Affairs Vice Chairman at ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong para makapagbigay ng libreng transportasyon sa mga frontliner lalo na sa mga health worker.
Kabilang sa mga makikinabang dito ay ang mga health worker sa East Avenue Medical Center, National Kidney Transplant Institute at Philippine Children’s Medical Center.
Bukod sa mga frontliner, matutulungan din nito ang kabuhayan ng mga UV express drivers na apektado ang kita dahil sa suspensyon ng lahat ng pampublikong transportasyon bunsod ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.