Pinilahan pa rin ng mga nais magpabakuna kontra COVID-19 ang ilang vaccination center sa Metro Manila sa kabila ng malakas na pag-ulan.
Kabilang sa mga maagang pinilahan ng mga Manileño ang san Andres Sports Complex kung saan 2,000 doses ng bakuna ang inilaan; Gat Andres Bonifacio Medical Center at Ospital ng Tondo.
May ilan pang nabasa at lumusong sa baha at hindi inalintana ang posibleng sakit na dala nito gaya ng leptospirosis para lamang magpabakuna.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, umabot sa mahigit 6k indibidwal ang binakunahan kabilang ang mahigit 9.4k ang tumanggap ng second dose, kahapon.
Dinumog din ang mega vaccination site sa tapat ng Mandaluyong City Hall kahit malakas ang ulan at baha sa Maysilo Circle.
Inilarga naman ng Caloocan City Government ang pagbabakuna ng johnson & johnson single doses at kabilang sa mga buena manong naturukan ang nasa 700 residente ng Barangay 132. —sa panulat ni Drew Nacino