Iginiit ng Smartmatic na imposibleng ma-hack ang mga vote counting machine (VCMs).
Sa pahayag ng pinuno ng Smartmatic Voter’s Education na si Karen Jimeno, sinabi nitong hindi maipagpapalit-palit ng mga makina ang mga boto dahil sa security measures na nakaprogram na.
Inilabas ng Smartmatic ang pahayag nilang ito ilang araw makaraang hilingin ni dating MRT-3 General Al Vitangcol sa Korte Suprema na atasan nito ang COMELEC na imbentaryuhin ang mga IP address at media access control address ng mga computer na gagamitin sa Lunes, araw ng eleksyon.
Ayon Kay Jimeno, mananatiling offline ang mga vote counting machine hangga’t hindi pa kakailanganing i-online para sa pagta-transmit ng mga resulta ng botohan.
By Avee Devierte