Aabot sa 50 mga video karera ang sinira ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City.
Pinangunahan ni PNP for Operations Police Deputy Chief Lt General Guillermo Eleazar ang mass destruction ng video karera at fruit games machines katuwang ang Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).
Ang naturang hakbang ay bahagi ng operasyon ng PNP laban sa illegal gambling.
Bukod sa pagwasak sa mga nakumpiskang illegal gambling machine, pumirma si Eleazar at IMEG officers ng “no take policy” sa mga aktibidad ukol sa illegal drugs, illegal gambling at iba pa.