Nagsumite si Senador Antonio Trillanes ng kopya ng mga video footages sa International Criminal Court o ICC kung saan mapapanood ang mga umano’y pagbabanta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buhay ng mga drug users.
Sa kanyang privelege speech, sinabi ni Trillanes na magiging bahagi ang mga naturang footages sa isasagawang ‘preliminary examination’ sa reklamong paglabag sa ‘crime against humanity’ laban sa Pangulo.
Dagdag pa ni Trillanes, noong mga unang buwan ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay hayagan ang mga sinasabi nito ukol sa polisiya ng pagpatay sa mga tulak ng illegal na droga sa bansa.
Una nang ipinahayag ng ICC nito lamang buwan na kanila nang sisimulan ang preliminary examination sa umano’y mga pagpatay at paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng ‘war on drugs’ ni Pangulong Duterte.
—-