Inaabangan na ng lahat ang kasalang Vic Sotto at Pauleen Luna bukas, araw ng Sabado.
Kabilang sa celebrities at personalidad na makakasama sa wedding entourage ng kasalang Bossing at Pauleen si Ruby Rodriguez bilang matron of honor at sina Tito Sotto, Joey de Leon at TAPE Incorporated President Antonio Tuviera bilang principal sponsors.
Groomsmen naman sina Val and Maru Sotto kasama ang mga Dabarkads na sina Anjo Yllana, Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros habang kabilang sa bridesmaid ang bestfriend ni Pauleen at Ms. Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.
Gagampanan naman ng anak ni Bossing na si Paulina Sotto ang papel ng candle sponsor habang veil sponsors naman sina Danica Sotto at asawa nitong si Marc Pingris, at cord sponsors sina Oyo Boy Sotto at asawa nitong si Kristine Hermosa.
Isa naman sa flowergirl si Ryzza Mae Dizon.
Pagkatapos ng kasal, sandaling magpapahinga ang dalawa sa kanilang showbiz projects upang makapag-honeymoon sa Maldives.
By Arianne Palma