Tinatayang humigit kumulang kalahating milyong deboto ang dumagsa sa taunang Traslacion ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Naga city, Camarines Sur
Hindi nagpatinag ang mga tinaguriang voyadores sa pagbuhos ng ulan habang inililipat ang imahe ng birhen mula basilica Minore patungong Peñafrancia shrine hanggang sa naga Metropolitan Cathedral
Bilang pag-iingat naman ng lokal na pamahalaan ng Naga City, nagpatupad sila ng signal jamming sa lugar upang mailayo ang pagdiriwang mula sa anumang banta ng terorismo
Ang Traslacion ng mahal na birhen ang siyang hudyat ng pagsisimula ng pista ng Peñafrancia na itinuturing na pinakamalaking Marian Festival sa buong bansa
By: Jaymark Dagala