Talaga namang inabangan ng marami ang 58th Grammy Awards hindi lamang dahil sa mga paparangalan kundi sa bonggang performance ng malalaking pangalan sa music industry.
Bago pa man nagsimula ang live show ng Grammy ay nakakuha na ng award sina Taylor Swift, Ed Sheeran at Justin Bieber.
Nakuha ni Bieber ang best dance recording para sa kantang Where Are U Now habang best music video naman ang Bad Blood ni Taylor Swift.
Wala namang pagsidlan ang saya ni Sheeran matapos na makuha ang best solo performance para sa kantang Thinking Out Load na kinilala rin bilang Song of the Year.
Na pa-wow ang lahat sa naging music performace at musical tribute ng mga sikat na artist tulad nina Lady Gaga, Taylor Swift, Stevie Wonder, Justin Bieber, Adele at iba pa.
Nanghinayang naman ang iba nang last minute na nag – cancel si Rihanna ng kanyang performance sa Grammy dahil sa sakit.
Samantala, narito ang iba pang big winner sa ginanap na Grammy Awards:
Tinanghal na Best New Artist si Meghan Trainor, Best Rock Performance ang Alabama Shakes para sa kantang Don’t Wanna Fight, Best Rap Album ang To Pimp a Butterfly ni Kendrick Lamar, Best Pop Duo naman ang Uptown Funk performace ng Mark Ronson featuring Bruno Mars.
And finally, ang pinakaaasam na record of the year ay nakuha ni Taylor Swift para sa kanyang 1989 album.
By Rianne Briones