Ginanap na ang 73rd Annual Golden Globe Awards sa Beverly Hilton Hotel sa Beverly Hills, California, USA.
Pinangunahan ito ni Ricky Gervaiz na siyang host ng nasabing show para sa ikaapat nang pagkakataon kasama ang pinakamaningning at pinakasikat na hollywood stars mula sa TV at Film.
Ang Golden Globes ang kickoff ng awards season sa Hollywood kung saan sinasabing ang nananalo rito ay malaki ang tiyansa na manalo sa Oscar Awards sa susunod na buwan.
At narito na ang mga inaabangang winners ngayong taon: sa hanay ng telebisyon, wagi bilang:
Best Television Series Drama ang Mr. Robot
Best Performance by an Actress in a Television Series — Drama si Taraji P. Henson
Best Performance by An Actor in a Television Series — Drama si Jon Hamm ng Mad Men
Nasungkit ng “Mozart in the Jungle” ang Best Television Series — Musical or Comedy.
Best television Limited Series or Motion Picture Made for Television ang “Wolf Hall”
Wagi si Lady Gaga para sa “American Horror Story: Hotel” as Best Performance by an Actress in a Limited Series or Motion Picture Made for Television
At si Oscar Isaac as Best Performance by an Actor in a Limited Series or Motion Picture Made for Television ng “Show Me a Hero” para sa mga movie buffs naman diyan narito na ang mga winners ngayong taon:
Best Director si Alejandro Gonzalez Inarritu para sa kanyang pelikulang “The Revenant”
Nasungkit ni Aaron sorkin ang kanyang ikalawang Golden Globe Best Screenplay Award sa kanyang likhang “Steve Jobs”
Best Supporting Actor in a Motion Picture si Sylvester Stallone, na binigyan ng standing ovation
Gaya nga ng mga naunang prediction ay wagi bilang Best Animated Film ang “Inside Out” na likha ng isang Pinoy Director
Best Actor in a Motion Picture, Comedy or Musical si Matt Damon para sa kanyang pagganap sa “The Martian”
Best Score in a Motion Picture ang “ The Hateful Eight”
Best Supporting Actress in a Motion Picture si Kate Winslet sa kanyang pagganap sa “Steve Jobs”
Best Foreign Language Film ang “Son of Saul”
Best Original Song in a motion picture ang “Writing’s on the Wall” mula sa pelikulang Spectre at gaya ng inaabangan nasungkit nga ni Leonardo d’ Carpio ang Best Actor in a Motion Picture, Drama sa kanyang pagganap sa The Revenant
Best Actress in a Motion Picture, Drama si Brie Larson ng “Room”
Best Motion Picture, Musical or Comedy ang “The Martian”
Best Actress in a Motion Picture, Comedy or Musical si Jennifer Lawrence ng pelikulang “Joy” at hakot award ngayong taon ang pelikulang “The Revenant” dahil nasungkit nito Best Motion Picture, Drama.
By Arianne Palma